Posted By MrPerlishells

May Revolution na nang yayari sa America na hindi makikita sa mga balita. Kung hanapin sa internet ay inyong makikita. Libo libong tao sa mga stadium, townhall, at ibat ibang venue punong punong ng tao parang may rocks star na nag kokoncert. Bawat saan siya pupunta ay umaapaw ang mga tao na gusto siya makita. Sino siya? Siya ay ang Presidential Candidate na si Congressman Ron Paul. Kung hanapin sa You Tube makikita mo ang mga video na ito. Kung sa balita ka makikinig ay akala mo ang kalaban niya na si Mitt Romney ay nanalo na ng Republican Nomination. Kung pansinin ninyo ang mga video sa cable news, pag nananalita si Mitt Romney sa TV ay ang camera ay lagging nakacloseup. Hindi sila puwede mag wide angle dahil makikita na konting-konti lang ang supporter niya. Mulit si Mitt Romney ang sabi nila na ang front runner ng Republican Party na mag lalaban kay Obama sa General Election at malamang matatalo. Munit hindi pa nila puwede sabihin iyon hanggan hindi pa naganap ang Republican National Convention sa katapusan ng August.

Nung Cinco de Mayo pumunta ako sa Sparks, Nevada para sa Nevada Republican Convention. Mas ma komplikado ang election sa America dahil meron Primary at General. Sa primary election, ang mga tao ay buboto sa Party nila mula sa mas maliit na lugar na precint, County, State hanggang National. Sa State Convention sa Nevada ay 22 sa 28 delegates ay supporter kay Ron Paul. Sila ang pupunta sa Tampa, Florida sa August at sila ang pipili kung sino ang tatakbo laban kay Obama sa General Election.

Kung si Ron Paul ang maging presidente ng America ay malaking pagbabago America. Siya ay strictong constitutionalist. Kung wala sa constitution ng America ay hindi niya kaya gawin anuman. Sabi sa constitution ang panguguera ay kailangan ipasa sa congress. Kung hindi, di hindi. Hindi ito nakukuha sa approval ng UN o anumang international organization. Ang huling digmaan na diniclare ng Congress ay ang World War II at yun ang huling digmaan na nanalo an America. Pag si Ron Paul ang Presidente, ang mga sundalo sa Iraq, Afghanistan at iba pang sulok sa mundo ay maaring umuwi na, at pang defensiya lang ang military at hindi pang occupado ng ibat ibat bansa sa mundo.

Bawasan ng one Trillion dollar ang budget ng America sa unang taon. Siya lang ang nag sasabi nito. Malaking pagbabago sa iba na bawasan lang a proposed increase. Siya ay isang military veteran, nag serve siya bilang doctor nung may digmaan sa Vietnam. Nakita at ginamot niya ang mga sugatin sa laban. Sa privado practice Siya ay isang Doctor na nag deliver ng 4000 babies.

Kung ang magsakaw sa banko ay kunukulong bakit ang banko tuloy ang systema na pag nakakaw ng masa sa pag imprenta ng pera. Tuwing mag imprenta ang Central Bank ang value nito ay nag dilute sa value ng pera na nakakalat na. Kung sino ang unang makahawak ng bagong imprenta nap era ay siyang nakinabang at bawat palit ng kamay at pauntiunti marandaman ang effect ng inflation. Ang Ginto at Pilak ay dati pang gamit ng pera. Hindi ito puwede pa print lang. Maraming gawa para mabu ang pera na gawa sa ginto o pilak. Ang inflation ay maliit lang at hindi biglaan. Kung Presidente si Ron Paul puwede gawing pera ulit ang ginto o pero at ang mga savings ng tao ay protectado sa inflation.

Isa pa. Ang mga nag dodonate sa kanya mga active duty sundalo mula military. At sari sari pang mga tao na sumusuporta sa kanya. Kontrast ito sa mga corporation at malalaking banko na nag contribute kay Obama o Romney.

Siya an gang isang kakaiba sa politika. Kahit siya ay nagiisa sa botohan sa floor ng Congreso hindi niya kakalimutan ang nakalagay sa constition. Ang kailangan lang gawin natin para mawala ang karamihan na problema natin ay sundin ang konstitution. Sana sa mga Filipino sa California at ibang state na hindi pa naganap ang Primary o Caucus election ay maging Delegate kayo para siya ang maging Presidente na ang tunay na pagbabago para sa kabutihan ng buong mundo.


 
0 Comment(s):
No Comments are found for this entry.
Add a new comment using the form below.

 
Leave a Comment:
Name: * Email: *
Home Page URL:
Comment: *
   char left.

re-generate
Enter the text shown in the image on the left: *
 Remember Me?
* fields are requried
    


 
Google

User Profile
MrPerlishells
Male
Henderson, N...

 
Forum
 
Category
 
Recent Entries
 
 
Latest Comments
 
Archives
 
Links
 
 
 
 
 
 
Anthony Perlas
Anthony Perlas
Create Your Badge
 
Visitors

You have 280799 hits.